Kung minsan, kapag nag-iisa ako, ang dami-daming mga bagay-bagay na bigla nalang talagang pumapasok sa isip ko. Lalo na kapag jume-jebs. Marahil narin sa kawalang magawa kundi ang umupo sa inidoro.
Ano ba sa Tagalog?
Bakit ang toothbrush kapag tinagalog sepilyo, eh pano naman kaya ang toothpaste? Ang Typewriter makinilya sa tagalog, ah ano naman kaya sa calculator? Ang bicycle, bisekleta. Eh ang tricycle?
Sa mga pampublikong sasakyan:
Ang mga pampasaherong jeep. Halimbawa nalang ang biyaheng mula Pasay Rotoda hanggang Alabang ang ruta, aba eh nagka-cutting trip! Pasaway na mga driver. Minsan nakakainis pa yung mga pasaherong deadma sa pag-abot ng bawad. Kon-todo kunwari hindi narinig, pakiramdaman pa sila kung sino ang mag-aabot. Kulang nalang sumigaw ka ng makiki-abot po ng bayad ko. Pero kapag sila yung magpapa-abot ng bayad di pa marunong magpasalamat. Sa bus naman, may upuan na tatluhan diba? Malamang dun ka uupo sa may pwesto pa. Ganito naman ang gawain ng mga nakakainis na pasahero. Sa tatluhang upuan, kapag isa palang ang nakaupo malamang duon ka uupo. Iisipin mo na uurong ang pasahero. Eh pano kung hindi umurong? Tumayo at hinayaan kang umupo sa tabi ng bintana. No choice uupo ka. Aba badtrip at mauuna ka pa plang bumaba sa kanya. Sa MRT o sa LRT naman. Ang mga pasaway na pasahero haharang sa malapit sa pintuan. Kaasar diba?
Sa mga Fastfood chain:
Badtrip ang mga costumer na pagdating palang sa counter saka palang mag-iisip ng oorderin. Tumatagal tuloy ang pila. Sa haba ng pila at sa bagal ng mga crew eh pwede ka nang mag-isip ng oorderin mo bakit ba naman kung kelan nasa counter na saka palang mag-iisip. Pasaway na kostumer!
Sabi ni Vilma Santos:
Ang babae, kapag namatayan ng asawa, ang tawag sa kanila "biyuda" o "balo". Ang lalaki, kapag namatayan ng asawa, ang tawag sa kanila "biyudo". Ang anak, kapag namatayan ng mga magulang ang tawag sa kanila "ulila". Eha ang magulang kaya? ano ang tawag sa kanila kapag namatayan ng anak.
Ang walang kamatayang "Okay lang":
Saan ba nangaling ang sagot na "okay lang" kapag nagtatanong ka. Halimbawa, ang mataba at sobrang taba mong kaibigan ang nagtanong sa’yo. "Mataba ba ako?" Ang isasagot mo, "Okay lang." Eh "Oo" o "hindi" lang naman ang sagot. Ang baduy kung manamit mong kaibigan ang nagtanong sayo, "Bagay ba? Hindi ba baduy?". Ang isasagot mo uli "Okay lang!". Hay… Oo o hindi lang!
Ang mga Pilipino talaga!!! Pasaway!!!
No comments:
Post a Comment