Friday, April 18, 2008

Apoy

Sige na, sige na! Payag na’ko. Tutal hindi ka
niya kayang
iwanan kasi mahal ka parin niya at hindi ka rin naman niya
bibitawan dahil
ginagawa kaniyang fall back kapag hindi kami okay… Payag na
akong dalawa tayo sa
kanya. Tatlong araw siya sa’yo, tatlong araw siya
sa’kin. Oh kaya naman, sa’yo
siya sa umaga akin siya sa gabi. Kahit na luge
ako dahil anytime na gusto mo ng
sex pwedeng pwede mo siyang puntahan sa
bahay nila.

Tang ina! Hindi ako ganon kagago! Hindi ako makikihati sayo! Hindi
ko ugali ang
makipag-agawan. Kung gusto mo siya, kung mahal mo siya. Sayo na
si’ya.

Ang pagsisimula:

Nagkakilala kami sa simpleng textmate muna. Text-text, tawag-tawag sa cellphone. Hanggang sa naging madalas ang pag-uusap namin sa telepono. Tumatagal ng ilang oras ang pag-uusap namin hanggang sa lumalim ang pagkakaunawaan. Sa madaling salita, nabuo ang relasyon namin. Mas lalong naging madalas ang pag-uusap namin sa telepono. Isang buwan na ang relasyon namin ng magpasya akong makipagkita sa kanya. Naging maganda naman ang kinalabasan ng unang pagkikita naming iyon. Sa isang motel namin tanagpuan ang aming mga sarili. Unang gabi namin sa pagbisita sa kamunduhan. Sa labin-dalawang oras na pagsasama namin sa apat na sulok ng kwartong iyon. Lalong lumalim ang pag-iibigan. Maganda ang takbo ng relasyon namin. Madaling naaayos ang simpleng hindi pagkakaunawaan. Hindi pinalilipas ang isang araw ng hindi naaayos ang munting pagtatalo. Maganda, masaya, puno ng kulay at pag-ibig.

Ang pagpapatuloy:

Sa pagdaan ng mga araw, walang di pagkakaunawaan ang hindi namin inaaayos. Pinupunuan ang pagkukulang ng bawa isa. Naging bukas sa bawat saloobin, naging matapat sa bawat salita. Napaka-gandang simula at pagpapatuloy ng nabuong pagkakaintindihan.

Graduating siya noon sa kursong Business Administration(Marketing) sa isang State University sa Maynila samantalang ako ay nagtatrabaho sa isang Engineering Firm. Kapwa parehong abala ngunit hindi nawalan ng oras sa isa’t-isa. Sinisikap kong magkaroon ng sapat na oras para sa kanya. Isang beses sa isang Linggo ang pagkikita namin. Isang beses ngunit labindalawang oras na pagsasama sa isang di kalakihang kwarto ng langit. Ganoon ang naging takbo ng relasyon namin.

Ang simula ng paglalaro ng apoy:

Ang apoy. Ang apoy na nagsisilbing liwanag sa kadiliman. Maganda, kaakit-akit na liwanag. Ngunit sa kabila niyo’y hindi maaaring hawakan o ang madampian. Mainit, masakit, nakaka-paso. Ngunit sa taglay nitong ganda ay hindi maiwasan ang makipag-laro dito. Masarap kung mapapatatiling hindi ka madadampian. Mainit! Nakakapaso! Masakit!
Sa unang pagkakataon:
Nagdesisyon akong mag-aral uli. Civil Engineering ang kinuha kong kurso. Sa may kalayuang paaralan mula sa amin ngunit hamak na napakalapit sa bahay nila.

“Hon, gusto kong mag-aral uli. Sa malapit na University dyan sa inyo nalang.”
“Eh paano na tayo kung mag-aaral ka uli. Magkaroon ka pa kaya ng time para sa’kin?
“Oo naman! Kung nung nagtratrabaho ako eh nagagawa ko, ngayon pa kaya na mag-aaral ako at malapit pa sa bahay n’yo.”

Enrollment! Natuloy ang balak kong magbalik paaralan.

“Pahiram ng phone mo. Palit muna tayo ng phone. Idaan mo nalang dito sa bahay bago ka umuwi, pagkatapos mo dyan sa school.”
“Sige, idadaan ko nalang dyan mamaya. Pero kukunin ko rin bukas ha. Daanan ko uli dyan.”
“Sige, kita nalang tayo mamaya.”

Idinaan ko ang phone ko sa bahay nila at umuwi na.

7:00pm.
“Hon, dito na’ko sa bahay. Ingatan mo yung phone ko ha.”
“Matutulog na ako Hon, masama ang pakiramdam ko. Napagalitan pa ako ng nanay ko.”
“Sige magpahinga kana, Bukas dadaan uli ako sa inyo para kunin yung phone ko.”

Hindi ko na siya inistorbo. Masama kasi ang pakiramdam niya. Pinagpahinga ko na. Alas siyete pa lamang ng gabi noon. Kinabukasan, maaga akong nagising para bumalik sa school dahil hindi ko pa natapos ang pagpapaenroll. Dumaan muna ako sandali sa kanila para kunin nga ang cellphone ko. Malinis ang inbox, outbox, at maging ang sent items na folder ng telepono. Nang tignan ko ang Communication Logs… sinuri at tinignang maigi.

“Hon, anong oras ka natulog kagabi?”
“Maaga pa.. 7pm nagpaalam ako sayo na matutulog na ako dahil masama ang pakiramdam ko.”
“Ah ganon ba?”

Alam kong nagsisinungaling siya dahil mula ng 7pm hanggang kinabukasan ng 6am ay kumpletong nakatala sa Communication Logs ng cellphone ko ang lahat ng incoming, outgoing text messages at maging ang calls. Walang playa. Sa madaling salita, hindi siya natulog ng maaga. Magdamag siyang nakikipagtext at nakikipag-usap sa iba’t-ibang tao. Hindi ko n asana papansinin at palalakihin pero hindi ako nakap-pigil sa konprontahin siya.

“Bakit kailangan mong magsinungaling sa’kin?”
“Ano ba ‘yang sinasabi mo? Paranoid ka nanaman dyan?”
“Sabihin mo sa’kin na mula 7pm hanggang ngayon eh hindi ka pa natutulog. Hindi pwedeng magsinungaling ang Logs ditto sa telepono ko. Oo nga, nabura mo lahat ng inbox, outbox, sent items at ang mga received at dialed numbers, pero nakalimutan mong ireset ang Communication Logs. Ano? Magsisinungaling ka pa ba?”
“Hon sorry… Wala lang naman iyon.. Mga kaibigan ko lang iyon..”
“Oo nga… Sige! Mga kaibigan mo nga lang sila… My point is…. Nagsinungaling ka!”

Dahil sa mahal ko siya, pinalampas ko ang bagay na iyon at hindi na pinalaki pa. Ang importante nasa akin sya. Pero hindi ko rin maiwasan ang hindi usisain ang mga taong iyon. Kinuha ko ang mga numbers at isa-isang kinaibigan (textmate nga). Mabait naman ang iba. Gumawa ako ng samut-saring dahilan at palusot kung sakaling magtanong sila kung saan ko nakuha ang mga cellphone numbers nila. May mga taong madali kong nakagaan ng loob at sa kanila ko sinabi ang tunay na dahilan at kung paanong nakuha ko ang mga numbers nila.

No comments: