Monday, April 21, 2008

Inlove ka ba talaga? Mahal mo nga ba siya talaga?

Para sa mga taong nanliligaw, nagbabalak manligaw, nililigawan, naliligaw, nag-iintay maligawan at nagbabalak lumagay sa gulo...ang love ay hindi minamadali...hindi pinipilit...at lalong hindi kinakarir... aray ko!
UNA: PAANO MO BA NASABING MAHAL MO NA SIYA?!?
Dahil ba natutuwa ka sa kanya? o kaya naman naaaliw ka? Naswee-sweetan ka ba ng sobra sa kanya? Kinikilig ka ba pag nakikita mo siya? At naha-high kapag naririnig mo na ang boses niya?eh teka muna...Baka naman infatuated ka lang...o kaya naman kagaya nga ng sagot mo...BAKA naaaliw ka lang...dahil kakaiba siya...may spark na hindi mo maintindihan...tsk tsk!! ang saklap nyan!
PANGALAWA: GAANO MO NA BA SIYA KAKILALA???!
Madali ba siyang mapikon? Paano ba siya mabadtrip? Madali bang mahalata kapag may topak siya? Ano ba ang madalas na isuot niya kapag nasa loob lang siya ng bahay? Short o pantaloon? Naka T_shirt ba siya o nakasando lang madalas? Gaano siya katagal maligo? Kumakain ba siya ng gulay? Tamad ba siya? Mas gusto niya ba ang manood ng tv kaysa magbasa? Ano ba ang tunay na pangalan niya? Ilan ba silang magkakapatid? Gaano ba kalaki ang pamilya niya? Ano ba ang kulay ng bubong ng bahay nila? Saan ba siya talaga nakatira? Alam mo bang puntahan? Nakatira ba siya kasama ang pamilya niya sa bahay na tinutuluyan niya? Malikot ba siya matulog? Alam mo ba kung kalian ang birthday niya? Ano ang mga paborito niya? Kulay, pagkain at kung ano-ano pa. Sa madaling salita: Aalam mo ba ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya? Ang mga simpleng bagay na ginagawa niya? Alam mo ba talaga? Gaano mo ba siya kakilala?
PANGATLO: KAYA MO BA SIYANG TANGGAPIN???
As in TANGGAPIN ng buong-buo...sa lahat ng trip niya sa buhay...sa lahat ng katopakan niya...sa lahat ng pag-iinarte at pag-dadrama niya...sa lahat ng kasalanang nagawa, ginawa, at gagawin pa lang niya...sa lahat ng naiisip niya...sa lahat ng sasabihin niya...sa kilos niya...sa pananamit pa pala niya...sa pagsasalita...sa pananaw niya sa tao...sa lifestyle niya...sa uri ng pamilyang meron siya...sa uri ng kaibigang kasa-kasama niya...sa style niya pagdating sa love...sa kasweetan niyang natural...sa paglalambing niya...sa tawa niyang pagkalakas-lakas...sa manners niya...sa bisyo niya kung meron man...sa mga pang-aasar niya sayo...sa style niya pagdating sa pagsolve ng problema...sa problemang maaari ka ring masama...
PANG-APAT: KAYA MO BANG MAGING TOTOO???
kaya mo bang makita yung sarili mo na kasama siya ha??!..sa isang sitwasyong pag naisip mo eh, napapaiyak ka na lang sa sakit nang dahil din sa kanya??!..kaya mo bang magmukhang tanga..as in umiyak ng dahil sa kababawan...ibuhos ang mga nararamdaman mo...kahit na puro kababawan nga lang naman...as in kahit sa harapan niya??!kaya mo bang maging barubal pag kasama mo siya??!yung tipo bang wala ka ng pakialam...mawala man ang manners mo...na wala ka naman talaga... LOL! JOKE!
in short...
KAYA MO BANG MAGING IKAW KAPAG KASAMA MONA SIYA??!
yung tipong hindi ka nahihiyang ipakita kung sino ka talaga...dahil alam mong...HINDI MO LANG SIYA TANGGAP...TANGGAP KA RIN NIYA...BUONG-BUO RIN...MGA TAO!!!tama na kasi ang trip...tama na ang pagmamadali...OO! masarap ngang mainvolve sa isang tao...pero diba mas masarap yun...LALO NA KUNG ALAM MONG TOTOO YUNGNARARAMDAMAN MO...kaya dapat, hindi tayo nagpapabulag sa akala nating LOVE...mag-antay na lang tayo...wag natin unahan...for all we know, ne pa pala siya angpara sa atin...pero pag nasagot mo lahat ng nasa taas...baka nga mahal mo na siya...

Friday, April 18, 2008

Top, Bottom, or Versatile?

If you’ve ever been in a gay chat room or discussion forum, chances are you’ve been asked if you were a top, bottom, versatile top or versatile bottom. These descriptors not only reference sexual roles, but represent the behavior in gay relationships. Some gay men prefer to identify themselves by these labels, while others prefer a more loose interpretation of their sexual preferences and relationship roles.

What do these labels mean?

Top -The penetrating partner during anal sex.
Bottom -Term used to describe the partner who is penetrated during anal sex.
Versatile -A versatile gay man enjoys a shared dominance in gay relationships. They are comfortable being the dominant partner, passive partner or both.
During sex, versatile men enjoy being either a top or bottom.
Versatile Top -A versatile top is comfortable with a shared dominance in gay relationships; however sexually, enjoy being a top more than a bottom.
Versatile Bottom -A versatile bottom is comfortable with a shared dominance in gay relationships; however sexually, enjoy being a bottom more than a top.

How do you know if a person is a top, bottom, or versatile?
Despite the many stereotypes and generalizations about gay sex, there is only one easy way to find out your potential partner’s sexual role- ask him (of course, at the appropriate time)! Keep in mind, however, that some men prefer not to label themselves.

Why are you being asked to label yourself?
Unlike the traditional generalizations of sexual compatibility in straight relationships, when two men are involved it is difficult to determine sexual compatibility before meeting. For instance, if a guy prefers to bottom (or be penetrated) during anal sex, then he will more than likely want a guy that prefers to top.

One again, there are no absolutes when it comes to each individuals sexual preferences. Some men use these descriptors as a mere guide, while others see them as a necessary piece of information before sex or dating.

How to ask your partner about his sexual preference.
Most men in chat rooms or message boards choose to explicitly ask if their prospect is top, bottom or versatile. Years ago (before gay men were able to find other men online), non-verbal signals were used to disclose their preferences. For example, if a band, earring, tattoo or other jewelry was on the right side, it signified a bottom. If they were on the left, then the guy was a top. Gay men also wore colors to signify certain sexual practices. Wearing these colors on the left or right would alert their partners if they were a top or bottom respectively. These non-verbal signs are rarely used today due to the internet and the ability for gay men to communicate and meet in other non-threatening environments.

Sa Aking Pag-iisa


Kung minsan, kapag nag-iisa ako, ang dami-daming mga bagay-bagay na bigla nalang talagang pumapasok sa isip ko. Lalo na kapag jume-jebs. Marahil narin sa kawalang magawa kundi ang umupo sa inidoro.

Ano ba sa Tagalog?
Bakit ang toothbrush kapag tinagalog sepilyo, eh pano naman kaya ang toothpaste? Ang Typewriter makinilya sa tagalog, ah ano naman kaya sa calculator? Ang bicycle, bisekleta. Eh ang tricycle?

Sa mga pampublikong sasakyan:
Ang mga pampasaherong jeep. Halimbawa nalang ang biyaheng mula Pasay Rotoda hanggang Alabang ang ruta, aba eh nagka-cutting trip! Pasaway na mga driver. Minsan nakakainis pa yung mga pasaherong deadma sa pag-abot ng bawad. Kon-todo kunwari hindi narinig, pakiramdaman pa sila kung sino ang mag-aabot. Kulang nalang sumigaw ka ng makiki-abot po ng bayad ko. Pero kapag sila yung magpapa-abot ng bayad di pa marunong magpasalamat. Sa bus naman, may upuan na tatluhan diba? Malamang dun ka uupo sa may pwesto pa. Ganito naman ang gawain ng mga nakakainis na pasahero. Sa tatluhang upuan, kapag isa palang ang nakaupo malamang duon ka uupo. Iisipin mo na uurong ang pasahero. Eh pano kung hindi umurong? Tumayo at hinayaan kang umupo sa tabi ng bintana. No choice uupo ka. Aba badtrip at mauuna ka pa plang bumaba sa kanya. Sa MRT o sa LRT naman. Ang mga pasaway na pasahero haharang sa malapit sa pintuan. Kaasar diba?

Sa mga Fastfood chain:

Badtrip ang mga costumer na pagdating palang sa counter saka palang mag-iisip ng oorderin. Tumatagal tuloy ang pila. Sa haba ng pila at sa bagal ng mga crew eh pwede ka nang mag-isip ng oorderin mo bakit ba naman kung kelan nasa counter na saka palang mag-iisip. Pasaway na kostumer!

Sabi ni Vilma Santos:
Ang babae, kapag namatayan ng asawa, ang tawag sa kanila "biyuda" o "balo". Ang lalaki, kapag namatayan ng asawa, ang tawag sa kanila "biyudo". Ang anak, kapag namatayan ng mga magulang ang tawag sa kanila "ulila". Eha ang magulang kaya? ano ang tawag sa kanila kapag namatayan ng anak.

Ang walang kamatayang "Okay lang":
Saan ba nangaling ang sagot na "okay lang" kapag nagtatanong ka. Halimbawa, ang mataba at sobrang taba mong kaibigan ang nagtanong sa’yo. "Mataba ba ako?" Ang isasagot mo, "Okay lang." Eh "Oo" o "hindi" lang naman ang sagot. Ang baduy kung manamit mong kaibigan ang nagtanong sayo, "Bagay ba? Hindi ba baduy?". Ang isasagot mo uli "Okay lang!". Hay… Oo o hindi lang!

Ang mga Pilipino talaga!!! Pasaway!!!

Formula 17

The movie was directed by 23-year-old Yin-jung Chen (AKA DJ Chen), FORMULA 17 puts a lighthearted, humorous spin on gay life in Taiwan, painting an idealized portrait that contains no mention of the difficulties associated with the gay community. Ponderous topics like AIDS, societal pressures, or coming-out issues are absent, and there are no women or straight people–only beautiful young men with hearts more or less made of gold. This candy-coated depiction comes off as a refreshing celebration of the simple joy of being young, gay, and in love.


Tien is a 17-year-old country boy who has just arrived in Taipei to meet an internet friend he has been corresponding with. It soon becomes clear, however, that the prospective man of Tien’s dreams–whose online handle is "Beast Man"–is only out for one thing, so Tien flees to a nightclub where his childhood friend, the flamboyant Yu, slings drinks with enthusiasm. Yu takes his naïve friend under his wing, scoffing at Tien’s dogged insistence on waiting for love before he loses his virginity, and attempting to educate him in the ways of urban existence. Tien persists in his virtue, resisting the advances of a hunky plumber hired by Yu and his crew of queens for the purposes of deflowering the boy. Meanwhile, it seems Tien has caught the eye of the local playboy, Bai, whose reputation for loving and leaving is well-established. Tien is likewise drawn to Bai but is justly wary of his past, and the two enact a halting courtship fraught with misunderstanding that stems from Bai’s fear of intimacy. The entirety of the film takes on the structure of a Greek comedy, complete with a chorus–Yu and his friends, who provide humorous commentary on the action–and a deux ex machina that pretty much saves the day. There is never any real doubt as to how this love story will end, but the pleasure of the story lies in the telling.

Apoy

Sige na, sige na! Payag na’ko. Tutal hindi ka
niya kayang
iwanan kasi mahal ka parin niya at hindi ka rin naman niya
bibitawan dahil
ginagawa kaniyang fall back kapag hindi kami okay… Payag na
akong dalawa tayo sa
kanya. Tatlong araw siya sa’yo, tatlong araw siya
sa’kin. Oh kaya naman, sa’yo
siya sa umaga akin siya sa gabi. Kahit na luge
ako dahil anytime na gusto mo ng
sex pwedeng pwede mo siyang puntahan sa
bahay nila.

Tang ina! Hindi ako ganon kagago! Hindi ako makikihati sayo! Hindi
ko ugali ang
makipag-agawan. Kung gusto mo siya, kung mahal mo siya. Sayo na
si’ya.

Ang pagsisimula:

Nagkakilala kami sa simpleng textmate muna. Text-text, tawag-tawag sa cellphone. Hanggang sa naging madalas ang pag-uusap namin sa telepono. Tumatagal ng ilang oras ang pag-uusap namin hanggang sa lumalim ang pagkakaunawaan. Sa madaling salita, nabuo ang relasyon namin. Mas lalong naging madalas ang pag-uusap namin sa telepono. Isang buwan na ang relasyon namin ng magpasya akong makipagkita sa kanya. Naging maganda naman ang kinalabasan ng unang pagkikita naming iyon. Sa isang motel namin tanagpuan ang aming mga sarili. Unang gabi namin sa pagbisita sa kamunduhan. Sa labin-dalawang oras na pagsasama namin sa apat na sulok ng kwartong iyon. Lalong lumalim ang pag-iibigan. Maganda ang takbo ng relasyon namin. Madaling naaayos ang simpleng hindi pagkakaunawaan. Hindi pinalilipas ang isang araw ng hindi naaayos ang munting pagtatalo. Maganda, masaya, puno ng kulay at pag-ibig.

Ang pagpapatuloy:

Sa pagdaan ng mga araw, walang di pagkakaunawaan ang hindi namin inaaayos. Pinupunuan ang pagkukulang ng bawa isa. Naging bukas sa bawat saloobin, naging matapat sa bawat salita. Napaka-gandang simula at pagpapatuloy ng nabuong pagkakaintindihan.

Graduating siya noon sa kursong Business Administration(Marketing) sa isang State University sa Maynila samantalang ako ay nagtatrabaho sa isang Engineering Firm. Kapwa parehong abala ngunit hindi nawalan ng oras sa isa’t-isa. Sinisikap kong magkaroon ng sapat na oras para sa kanya. Isang beses sa isang Linggo ang pagkikita namin. Isang beses ngunit labindalawang oras na pagsasama sa isang di kalakihang kwarto ng langit. Ganoon ang naging takbo ng relasyon namin.

Ang simula ng paglalaro ng apoy:

Ang apoy. Ang apoy na nagsisilbing liwanag sa kadiliman. Maganda, kaakit-akit na liwanag. Ngunit sa kabila niyo’y hindi maaaring hawakan o ang madampian. Mainit, masakit, nakaka-paso. Ngunit sa taglay nitong ganda ay hindi maiwasan ang makipag-laro dito. Masarap kung mapapatatiling hindi ka madadampian. Mainit! Nakakapaso! Masakit!
Sa unang pagkakataon:
Nagdesisyon akong mag-aral uli. Civil Engineering ang kinuha kong kurso. Sa may kalayuang paaralan mula sa amin ngunit hamak na napakalapit sa bahay nila.

“Hon, gusto kong mag-aral uli. Sa malapit na University dyan sa inyo nalang.”
“Eh paano na tayo kung mag-aaral ka uli. Magkaroon ka pa kaya ng time para sa’kin?
“Oo naman! Kung nung nagtratrabaho ako eh nagagawa ko, ngayon pa kaya na mag-aaral ako at malapit pa sa bahay n’yo.”

Enrollment! Natuloy ang balak kong magbalik paaralan.

“Pahiram ng phone mo. Palit muna tayo ng phone. Idaan mo nalang dito sa bahay bago ka umuwi, pagkatapos mo dyan sa school.”
“Sige, idadaan ko nalang dyan mamaya. Pero kukunin ko rin bukas ha. Daanan ko uli dyan.”
“Sige, kita nalang tayo mamaya.”

Idinaan ko ang phone ko sa bahay nila at umuwi na.

7:00pm.
“Hon, dito na’ko sa bahay. Ingatan mo yung phone ko ha.”
“Matutulog na ako Hon, masama ang pakiramdam ko. Napagalitan pa ako ng nanay ko.”
“Sige magpahinga kana, Bukas dadaan uli ako sa inyo para kunin yung phone ko.”

Hindi ko na siya inistorbo. Masama kasi ang pakiramdam niya. Pinagpahinga ko na. Alas siyete pa lamang ng gabi noon. Kinabukasan, maaga akong nagising para bumalik sa school dahil hindi ko pa natapos ang pagpapaenroll. Dumaan muna ako sandali sa kanila para kunin nga ang cellphone ko. Malinis ang inbox, outbox, at maging ang sent items na folder ng telepono. Nang tignan ko ang Communication Logs… sinuri at tinignang maigi.

“Hon, anong oras ka natulog kagabi?”
“Maaga pa.. 7pm nagpaalam ako sayo na matutulog na ako dahil masama ang pakiramdam ko.”
“Ah ganon ba?”

Alam kong nagsisinungaling siya dahil mula ng 7pm hanggang kinabukasan ng 6am ay kumpletong nakatala sa Communication Logs ng cellphone ko ang lahat ng incoming, outgoing text messages at maging ang calls. Walang playa. Sa madaling salita, hindi siya natulog ng maaga. Magdamag siyang nakikipagtext at nakikipag-usap sa iba’t-ibang tao. Hindi ko n asana papansinin at palalakihin pero hindi ako nakap-pigil sa konprontahin siya.

“Bakit kailangan mong magsinungaling sa’kin?”
“Ano ba ‘yang sinasabi mo? Paranoid ka nanaman dyan?”
“Sabihin mo sa’kin na mula 7pm hanggang ngayon eh hindi ka pa natutulog. Hindi pwedeng magsinungaling ang Logs ditto sa telepono ko. Oo nga, nabura mo lahat ng inbox, outbox, sent items at ang mga received at dialed numbers, pero nakalimutan mong ireset ang Communication Logs. Ano? Magsisinungaling ka pa ba?”
“Hon sorry… Wala lang naman iyon.. Mga kaibigan ko lang iyon..”
“Oo nga… Sige! Mga kaibigan mo nga lang sila… My point is…. Nagsinungaling ka!”

Dahil sa mahal ko siya, pinalampas ko ang bagay na iyon at hindi na pinalaki pa. Ang importante nasa akin sya. Pero hindi ko rin maiwasan ang hindi usisain ang mga taong iyon. Kinuha ko ang mga numbers at isa-isang kinaibigan (textmate nga). Mabait naman ang iba. Gumawa ako ng samut-saring dahilan at palusot kung sakaling magtanong sila kung saan ko nakuha ang mga cellphone numbers nila. May mga taong madali kong nakagaan ng loob at sa kanila ko sinabi ang tunay na dahilan at kung paanong nakuha ko ang mga numbers nila.